IPINAGMALAKI ng North Korea ang matagumpay na pag-test-fire sa bagong ballistic missile na may Hypersonic Maneuverable Warhead.
Ang unang weapons test ngayon ng Pyongyang sa pamamagitan ng solid-fuel Hypersonic Intermediate-Range Ballistic Missile (IRBM), ay na-detect ng South Korean Military.
Ayon sa Korean Central News Agency (KCNA), ang test ay para i-verify ang gliding at maneuvering characteristics ng warhead, pati na ang reliability ng bagong develop na multi-stage high-thrust solid-fuel engines.
Idinagdag ng KNCA na hindi naman naapektuhan ng missile launch ang seguridad ng anumang katabing bansa at wala itong kinalaman sa regional situation.