INANUNSYO ng Malakanyang na gagawaran ng Presidential Merit Award sina Nora Aunor, Pilita Corrales, Margarita Fores, at Gloria Romero.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary, Atty Claire Castro, gaganapin ang seremonya sa ika-apat ng Mayo.
Ang Presidential Merit Award ay isa sa pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng presidente ng Pilipinas sa mga indibidwal bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa nation-building
Ang National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor ay pumanaw noong April 16 sa edad na 71 habang si Pilita Corrales na tinaguriang Asia’s Queen of Song ay namayapa noong April 12 sa edad na 87.
Binawian din ng buhay ang mahusay na chef na si Margarita Fores matapos atakihin sa puso noong Feb. 11 sa edad na 65 habang Jan. 25 nang pumanaw ang veteran actress na si Gloria sa edad na 91.