KINANSELA ng Backstreet Boys Member na si Nick Carter ang kanyang upcoming concerts sa Cebu at Manila.
Inanunsyo ng concert promoter na Wilbros Live sa social media na “due to unforseen circumstances,” hindi na matutuloy ang concert ni Nick sa Cebu sa May 23 at sa Manila sa May 24.
ALSO READ:
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
Italian fashion designer na si Valentino, pumanaw sa edad na 93
Pagbibigay ng bulaklak at tsokolate ni Mark Leviste kay Kris Aquino, WALANG isyu sa kanyang girlfriend na si Aira Lopez
Sinabi rin ng Wilbros na umaasa ang american singer na ma-reschedule ang shows, “in the near future.”
Ang Cebu at Manila shows ni Nick ay bahagi sana ng Asian Leg ng kanyang “Who I Am” 2024 Tour.
Una nang kinansela ng BSB Member ang kanyang shows sa Asia, kabilang sa Jakarta, Mumbai, Bangalore, Singapore, Japan, at Taipei.
