BINIGYAN ng Non-Government Organizations na World Vision at Korea International Cooperation Agency (KOICA) ng incentives ang mahigit limandaang Barangay Health at Nutrition Workers bilang bahagi ng kanilang suporta sa volunteers na nagta-trabaho upang masugpo ang maternal at child mortality.
Sa nakalipas na dalawang linggo, ang mga naturang organisasyon ay namahagi ng sampung kilo ng bigas at christmas goodies sa Barangay Health Workers (BHWS) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) na sumailalim sa training mula sa mga Bayan ng Silvino Lubos, Laoang, Palapag, at Pambujan na tinukoy bilang priority areas sa kanilang proyekto.
Pinasalamatan naman ng Provincial Government ang NGOs sa kanilang suporta sa community workers na inatasang serbisyuhan ang bawat pamilya sa Northern Samar.