HINIMOK ni Northern Samar 2nd District Rep. Edwin Ongchuan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na bilisan ang mga proyektong magpapatibay sa Power Infrastructure upang maresolba ang paulit-ulit na Power Outages sa lalawigan.
Sinabi ni Ongchuan, Vice Chairman ng House Committee on Energy, na balakid sa ekonomiya, Public Services, at sa kalidad ng buhay sa buong probinsya ang madalas na brownout.
ALSO READ:
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Isa sa mga tinukoy ng mambabatas ay ang Calbayog-San Isidro-Allen Transmission Line Project, na batay sa Report ng NGCP ay 92 percent nang kumpleto, at ang natitira na lamang na gawain ay ang Right-of-Way Adjustments at koordinasyon sa Calbayog City Local Government para sa Requested Rerouting.
