NAKALIPAT na si Kris Aquino sa isang Service Apartment matapos sumailalim sa Surgical Procedures.
Sa Instagram, sinabi ni Kris na nakalabas na siya sa ospital, at ibinahagi ang isang litrato kung saan ipinakita niya ang Port-a-Cath na nakakabit sa kanyang katawan.
ALSO READ:
Sa naunang post, ibinunyag ni Kris na mayroon siya ng naturang Surgically Implanted Device na nagbibigay ng Long-Term Access sa malalaking ugat para sa Treatments.
Sa kasalukuyan ay nakikipaglaban si Kris sa labing isang Autoimmune Diseases.
Inihayag ng TV Host na sasailalim siya sa Isolation at Rehabilitation Therapy.




