NAKA-full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula sa Nov. 28, araw ng Biyernes, para sa Trillion Peso March Protest sa Nov. 30.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Police Major Hazel Asilo, sa ngayon ay naka-heightened sila, kasunod ng dalawang araw na protest action na inorganisa ng Iglesia Ni Cristo, kung saan inactivate ang security planning at coordination sa concerned agencies.
Idinagdag ni Asilo na ide-deploy ang Metro cops sa pamamagitan ng teams na itinalaga sa Civil Disturbance Management, Negotiation, Monitoring, at Arrest.
Magsasagawa rin aniya ang NCRPO ng live monitoring gamit ang CCTVs para sa mabilis na pagtugon sakaling magkaroon ng biglaang pagdagsa ng mga tao.




