MAGDE-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 15,000 na mga pulis sa ikalawang “Trillion Peso March” sa Nov. 30.
Sinabi ni NCRPO Public Information Office Chief Police Major Hazel Asilo, hindi pa kasama sa bilang ang Reinforcements na manggagaling sa iba’t ibang rehiyon, gaya sa Central Luzon at Calabarzon.
Ang malawakang kilos protesta sa Nov. 30 ay kasunod ng unang “Trillion Peso March” noong Sept. 21, na nag-demand ng Accountability, pagsasauli ng mga ninakaw na pondo, at Full Transparency.
Inihayag din ng NCRPO na palalakasin nila ang kanilang Intelligence Gathering at Monitoring upang maiwasan ang anumang posibleng kaguluhan.

					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
					
									


