Nag-iba ng strategy ang San Miguel Beer sa pamamagitan ng pagkuha sa isang European veteran bilang reinforcement para sa PBA Season 49 Governor’s Cup.
Makakasama ng beermen sa koponan ang Lithuanian na si Tauras Jogela, isang 6-foot-6 forwards na may malawak na karanasan sa mga liga sa Romania, Latvia, Poland, Hungary, at Austria.
ALSO READ:
Karl Eldrew Yulo, pasok sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup
Ranking ni Alex Eala sa WTA, bumagsak sa No. 45
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Si Jogela ay nag-average ng 10.5 points, 4.1 rebounds, at 2.0 assists, noong nakaraang season sa ilalim ng BC Jonava sa Lithuanian Basketball League.
Ang trenta’y uno anyos na cager na inaasahang darating sa susunod na linggo ay tutulong sa SMB para makabawi at maangkin muli ang titulo mula sa first time champion na MERALCO Bolts.
