22 November 2024
Calbayog City
National

Alice Guo, pumayag na pangalanan ang most guilty sa POGO operations

Copy of Copy of Copy of Copy of Copy of Copy of Copy of Copy of Copy of GNO 3 – 1

NAGSAGAWA ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ng Executive Session, kasama si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, para ibunyag nito ang mga detalyeng ayaw nitong isiwalat sa publiko.

Si Senador JV Ejercito ang nag-move na magsagawa ng closed door session kasama si Guo, na kalaunan ay inaprubahan at ginawa ito sa opisina ni Senate Majority Leader Francis Tolentino.

Sinabi ni Ejercito na nanindigan si Guo na hindi ito ang “mastermind” sa POGO operations sa Bamban, at inilarawan niya ang sarili na biktima lamang.

Nang tanungin ang dating alkalde kung handa ba nitong pangalanan ang “most guilty individual” ay sumagot ito ng oo, na tinanggap naman ng pinuno ng komite na si Senador Risa Hontiveros.

Inihayag ni Hontiveros na ito ang unang beses na narinig niyang sinabi ni Guo na mayroon na silang natutumbok sa buong kwento, kung sino ang pinakamataas sa likod ng mga POGO sa bansa, at isa pa aniya sa nais nilang malaman ay kung sino ang mga opisyal ng pamahalaan na tumulong sa pagtakas ng dismissed mayor kapalit ng pera.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).