POSIBLENG dumaranas ng depresyon si Father Edwin “Kutz” Caintoy, kura paroko ng San Jose De Malibago Parish sa Barangay Malibago, sa Babatngon, Leyte, nang ito ay mawala.
Sinabi ni PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Randulf Tuaño, na tatlong anggulo ang sinisilip ng mga imbestigador sa pagkawala ng Parish priest.
Aniya, sa ngayon ay hindi pa makumpirma ang dalawang anggulo, maliban sa opisyal na inilabas ng Police Regional Office 8 na maaring nagkaroon ng depresyon ang pari dahil sa pagkawala ng adopted son, matapos ang maliit na hindi pagkakaunawaan.
Batay sa reports mula sa PRO-8, bumiyahe patungong Cavite ang adopted son ni Caintoy.
Huling nakita ang Parish priest noong Dec. 23, sakay ng motorsiklo, kasama ang kanyang sakristan patungong Tagpuro, Tacloban.
Dakong alas nueve y medya ng umaga nang sumakay naman ito ng bus na patungong Tacloban City.




