MAKIKIISA ang “Nation’s Girl Group” na BINI sa kauna-unahang Fur Festival, na gaganapin sa March 22, sa Philippine International Convention Center, sa Pasay City.
Sa video na ipinost sa social media, inimbitahan ng BINI members ang publiko na dumalo at makibahagi sa naturang special event.
ALSO READ:
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Kabilang din sa iba pang celebrities na humihimok sa publiko na makiisa sa Fur Festival 2025 ay sina Pops Fernandez, Martin Nievera, Ogie alcasid, Jessa Zaragosa, Maris racal, at Alexa ilacad.
Itatampok sa festival ang iba’t ibang pet brands mula sa pet food, treats, accessories at pet cares.
Magbabahagi rin ng tips ang mga professional, gaya ng veterinarians at advisors at iba pang experts para sa tamang pangangalaga ng fur babies.
