13 October 2025
Calbayog City
Entertainment

National Artist Nora Aunor, inilibing na; state funeral, ipinagkaloob sa nag-iisang “Superstar”

NAILAGAK na sa kanyang huling hantungan ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast na si Nora Aunor, na may full military honors, sa Libingan ng mga Bayani, sa Taguig City, kahapon. 

Nilatagan ng watawat ng Pilipinas ang kabaong ni Aunor, at ineskortan ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines sa departure honor na sinundan ng funeral march mula sa gate ng libingan hanggang sa paglalagakan ng kanyang labi.

Pagkatapos ng last viewing ay isinagawa ang final honor sa pamamagitan ng 21-gun salute habang ibinababa ang kabaong ng Superstar sa lupa.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).