BINISITA ni National Artist Nora Aunor ang shop ng social media personality na si Boss Toyo, para dalhin ang kanyang damit na isinuot nang manalo siya sa singing contest na “Tawag ng Tanghalan” noong 1967.
Sa youtube vlog ni Boss Toyo o Jayson Luzada sa totoong buhay, nilinaw ni Ate Guy na hindi niya ibebenta ang naturang damit.
Sinabi ng binansagang Superstar na kaya niya ito dinala ay para makita ni Boss Toyo, at ang pakay talaga niya ay humingi ng tulong sa mga kababayan na nasalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol.
Bilang tugon ay ibinahagi ni Boss Toyo ang kanyang plano at ng iba pang social media personalities, na tulungan ang mga naapektuhan ng kalamidad.
Sinubukan naman ni Boss Toyo na presyuhan ng limang milyong piso ang vintage dress ni Ate Guy para sa kanyang museum na target niyang buksan sa Enero.
Sa huling bahagi ng vlog, sinabi ng Superstar na nangako si Boss Toyo na magdo-donate ng 250,000 pesos para sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Bicol.