15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Nasawi sa forest fire sa Chile, umabot na sa 51

forest fire

Umabot na sa limampu’t isang katao ang nasawi sa forest fire sa Central Chile.

Ito ay makaraang matagpuan ang katawan ng ilan pang nasawi sa mga naapektuhang lansangan.

Ayon sa mga otoridad sa nasabing bansa, posibleng madagdagan pa ang death toll .

Malaking bahagi ng Valparaiso Region ang naapektuhan ng forest fire.

Ayon kay Chile Interior Minister Carolina Toha, ito na ang maitituring na pinaka-grabeng kalamidad sa kanilang bansa simula noong 2010 earthquake.

Noong nakaraang taon, nakaranas din ng wildfire sa Chile kung saan umabot sa dalawampu’t pito ang nasawi at mahigit apatnaraanlibong ektarya ng lupain ang naapektuhan.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *