4 July 2024
Calbayog City
Local

Nagsampa ng kaso ang PNP Calbayog laban sa tauhan ng dawit sa aksidente sa Calbayog City

pnp calbayog

Nagsampa ng kaso ang Calbayog City Police ng Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injury at Damage to Property laban kay Patrolman Ruel Christian Tuano y Jule, lalaki, 27 years old, residente ng Brgy. Talisay, Capoocan, Leyte, at isang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na kasalukuyang nakatalaga sa Calbayog City Police Station. 

Kusang isinuko ni Patrolman Tuano ang sarili sa Calbayog CPS matapos masangkot sa isang vehicular accident na naganap bandang 1:00 ng madaling araw noong  September 30 2023 sa kahabaan ng Rosales Blvd. corner Rama St. ng Brgy. East Awang, Calbayog City. 

Isang estudyante ang sangkot na kinilala na si Joem Manuel Mawo, (17) labing pitong taong gulang, Senior High School student sa Christ the King College, at residente ng Magsaysay Ext. Purok 7, Brgy. Rawis, Calbayog City. 

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na pumasok si Tuano sa isang one-way na kalye mula sa direksyon ng Rama St. habang si Joem Manuel Mawo, sakay ng motorsiklo ay nabangga sa kaliwang bahagi ng sasakyan ni Tuano habang binabaybay nito ang Rosales Boulevard. 

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat ang estudyante at agad na dinala sa Calbayog District Hospital para sa agarang atensyong medikal. 

Samantala, si Tuano ay nasa detention facility ng Calbayog CPS. 

Ayon kay PLTCOL JOY G LEANZA, Hepe ng istasyon na “Pinapanatili ng Calbayog PNP ang patas na pagtrato sa mga indibidwal na nangangailangan ng tulong, at hinding-hindi kukunsintihin ang hindi nararapat na pagkilos ng mga tauhan nito,”  Muli niyang iginiit sa lahat ng mga tauhan nito na bilang mga alagad ng batas, mananatiling matatag ang Calbayog CPS sa pagpupursige nitong ipatupad ang batas at patas na hustisya sa lahat.

miriam timan
Currently the President of Kabalikat Civicom 427, Calbayog Chapter. She used to be a volunteer of Eagle News Network based in Metro Manila and is now the Correspondent-at-large of Infinite Radio

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *