15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Naging pagtugon ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa digmaan sa Gaza, mali!, ayon kay US President Joe Biden

joe biden kay benjamin netanyahu

Mali ang naging hakbang ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa digmaan sa Gaza.

Pahayag ito ni US President Joe Biden sa isang panayam, kasabay  ng pagsasabing hindi siya sang-ayon sa naging approach ni Netanyahu para durugin ang teroristang grupong Hamas.

Dati na ring tinawag ni Biden ang pambobomba ng Israel sa Gaza na “indiscriminate” at inilarawan ang military actions nito na “over the top.”

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng white house na sa pamamagitan ng tawag sa telepono ay binalaan ni Biden si Netanyahu na maaapektuhan ang suporta ng US sa Israel kung hindi ito gagawa ng matibay na hakbang upang maprotektahan ang aid workers at mga sibilyan

Ang pag-uusap ng dalawang lider ay kasunod ng airstrike ng Israel na ikinasawi ng pitong aid workers ng grupong World Central Kitchen.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *