NANAWAGAN ang National Authority for Child Care sa mga social media platform na magpatupad ng mas mahigpit na seguridad upang pigilan ang paglaganap ng online baby selling at ng illegal adoption.
Ayon kay NACC Assistant Secretary for Operations and Services Rowena Macalintal, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa PNP para sa pagbabantay sa mga Facebook Groups na sangkot sa Babies for Sale at sa mga Online Adoption Page.
Paratang ng mga nagpakilalang ex-marines, itinanggi ni Ombudsman Remulla
Ika-2 impeachment complaint vs VP Sara, iniatras ng Tindig Pilipinas
Pinay, nasawi sa missile attack sa Israel; DND tiniyak ang kahandaan na ilikas ang mga Pinoy sa Gitnang Silangan
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Gamit kasi ang nasabing mga Group at Pages, nagkakaroon ng transaksyon ang mga seller at buyer.
Sinabi ni Macalintal, puwedeng mapanagot sa ilalim ng expanded Anti-Trafficking Law ang mga social media platform kapag napatunayang may kapabayaan sa kanilang panig dahil hinalayaan nilang magamit ang kanilang platform sa ilegal na aktibidad.
Nais ng NACC na makipagdayalogo sa pamunuan ng mga social media platform para makapaglatag ng mga hakbang at makapagpatupad ng mas mahigpit na seguridad.
