15 March 2025
Calbayog City
Local

Bayan sa Samar na dating pinamumugaran ng NPA, idi-develop para maging tourist site

ISINUSULONG ng lokal na pamahalaan ng Matuguinao, Samar ang pagpapaganda sa kanilang cold spring bilang eco-tourism site, na naapektuhan ng ilang dekadang armadong pakikibaka.

Sinabi ni Mayor Aran Boller na humingi siya ng tulong sa Department of Tourism (DOT) Regional Office para makakuha ng pondo mula sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Ito aniya ay para sa pagtatayo ng mga pasilidad malapit sa Sulpan Cold Spring and Cave sa Barangay Barruz.

Idinagdag ng alkalde na ngayong mapayapa na ang kanilang bayan ay nais nila na bisitahin ng mga tao ang kanilang tourism sites at lumikha ng pagkakakitaan ng mga komunidad.

Ang panukalang budget na 45 million pesos ay para sa pagtatayo ng grouted riprap, concrete path bridge, amenities, storage area, entrance ticketing office, public grounds, at solar lights.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *