NAGHANDA ang labindalawang distrito sa ilalim ng Schools Division Office ng Calbayog City ng appreciation videos.
Bilang pagkilala sa dedikasyon ng Local Government Unit ng Calbayog para palakasin ang edukasyon sa lungsod.
ALSO READ:
Militar sa Eastern Visayas, nanawagan sa mga rebelde na magnilay-nilay ngayong Semana Santa
“Pintahang Pagkakaisa,” pinangunahan ng kabataang artists sa Tacloban City para isulong ang nasyonalismo
Halos 300 senior high student sa Leyte, na-hire on the spot sa job fairs
Higatangan Festival sa Biliran, kinansela sa gitna ng lumolobong presyo ng produktong petrolyo
Ang naturang aktibidad ay may kinalaman sa nalalapit na DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit sa Biyernes, Nov. 21, 2025.
Ibinahagi ang mga video sa publiko, at ang most outstanding entry ay espesyal na kikilalanin sa Summit.
Lahat ng videos ay ipinost kahapon at i-e-evaluate sa pamamagitan ng Facebook reactions at ng mga hurado.
Iaanunsyo sa araw ng summit ang mananalo na makatatanggap ng 20,000 pesos.
