UMAASA si Greg Slaughter na makapaglalaro itong muli sa PBA.
Sinabi ni Slaughter na apat na taon na ang nakalipas mula nang huli siyang maglaro sa kauna-unahang Professional Basketball League sa asya.
ALSO READ:
Aniya, sa ngayon ay masasabi niyang maganda ang kanyang buhay subalit aminadong mayroong kulang na kanyang hinahanap-hanap.
Labis ang pasasalamat ni Slaughter sa PBA, kasabay ng paghingi nito ng paumanhin sa nakalipas na hindi pagkakaunawaan.
Idinagdag ng dating PBA player na ituturing niyang Dream Come True, kung makababalik siya sa liga, lalo na’t niyang mapanood siya ng kanyang mga anak na maglaro ng Basketball.