MATAPOS ang apat na dekada sa himpapawid, isasara na ng MTV ang ilan sa kanilang Music Channels sa United Kingdom sa katapusan ng taon.
Sa Report ng BBC, ititigil na ang pag-broadcast sa lahat ng “MTV Music,” “MTV 80s,” “MTV 90s,” “Club MTV,” at “MTV Live” pagkatapos ng Dec. 31.
Iñigo Pascual, bibida sa Philippine adaptation ng “The Good Doctor”
Kylie Padilla, nag-react sa pag-amin ni AJ Raval na may mga anak na ito kay Aljur Abrenica
Jessica Sanchez, uuwi sa Pilipinas para sa New Year’s Countdown event
Bela Padilla, binatikos si Pangasinan Cong. Mark Cojuangco sa mga komento nito sa mga binaha; Slater Young, pinasaringan
Mananatili namang On Air ang “MTV HD,” na Flagship Channel kung saan napapanood ang ilang Reality Series.
Tinukoy ng Media Outlet na ang pagsasara ay bahagi ng Restructuring Efforts ng Paramount Global, kasabay ng pagtutok ng kumpanya sa Digital Platforms at Streaming Services.
Marami na sa Traditional Music Channels ng MTV ang nauna nang nag-off the air, kabilang na ang MTV Philippines, kung saan nakilala bilang Video Jockeys sina Donita Rose, Jamie Wilson, at KC Montero.
