Dinepensahan ni Niño Muhlach ang kanyang ama na si Alex Muhlach, ilang araw makaraang mapaulat ang relasyon ng dating aktor sa trenta anyos na non-showbiz girlfriend.
Si Alex na mag- 82 years old sa June 9, ay romantically involved sa isang Mae Fortaleza na mas bata sa kanya ng limampu’t dalawang taon at ayon sa couple ay noon pang 2014 nagsimula ang kanilang relasyon.
Zaijian Jaranilla, tikom ang bibig sa estado ng relasyon kay Gela Atayde
Alexa Miro, pahinga muna ang puso matapos ang breakup kay Sandro Marcos
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Umani naman ito ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen, at karamihan dito ay pinuna ang kanilang age gap.
Sa pamamagitan ng facebook, sinagot ni Niño ang mga bashers sa pagsasabing hindi ba sila natutuwa na mayroong dalawang tao na nagmamahalan.
Aniya, sila nga na mga kamag-anak ay masaya para sa kanyang ama at girlfriend nito kaya good vibes lang.
Idinagdag pa ng aktor na nakaka-depress at malas sa buhay kapag nagsasalita ng masama sa ibang tao kaya dapat happy lang.
Inamin din ni Niño na hindi nila kayang gawin ang alagang ginagawa ni Mae sa kanyang ama na aniya ay ngayon lamang niya nakita na ganito kasaya.
