Natapos na ang konstruksyon ng mini-amphitheater sa Eastern Samar State University (ESSU) – Guiuan Campus makalipas ang dalawang taon.
Nagsimula ang first phase noong 2022 na mayroong initial funding na 5 million pesos na ini-lobby ng Eastern Samar Lobe District Rep. Maria Fe Abunda sa Department of Public Works and Highways.
ALSO READ:
Northern Samar, nagbigay ng short-term jobs sa mahigit 200 miyembro ng vulnerable sector
DPWH, bibilisan ang pag-repair sa Maharlika Highway sa Samar
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
30 million pesos naman ang ginastos para sa second phase na ni-release noong 2023 sa tulong ni House Minority Floor Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan.
Sinabi ni ESSU President Andres pagatpatan na ang bagong amphitheater ay hindi lamang basta gusali, kundi patunay ito ng collective vision, hardwork at dedication para sa kapakanan ng mga estudyante at komunidad.
