NAKAUSAP ni U-S President Joe Biden si Pope Francis at pinagkalooban ng Presidential Medal of Freedom with Distinction, na pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng bansa sa sibilyan.
Ito ang unang pagkakataon sa apat na taong panunungkulan ni Biden na nagbigay ito ng medal “With Distinction.”
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Ang walumpu’t dalawang taong gulang outgoing president ay nakatakdang bumaba sa poder sa Jan. 20 upang bigyang daan ang pagbabalik sa White House ni US President-Elect Donald Trump.
Para matutukan ang pagtugon ng pamahalaan sa wildfires sa California, kinansela ni Biden ang kanyang biyahe sa Roma ngayong linggo, kung saan personal sana niyang makakausap ang Santo Papa.
Inihayag ng White House na nakausap ni Biden sa telepono si Pope Francis, kasabay ng paghingi ng paumanhin na hindi ito makabibisita sa Roma at Vatican City.
