MAGSISILBI ang Pilipinas bilang host ng isang Youth-Based Multi-Sport Competition na makatutulong sa paggarantiya sa kahandaan ng mga atleta sa rehiyon para sa ASIAN Youth Games (AYG) at Youth Olympic Games.
Ang Southeast Asian Plus Youth Games o SEA Plus YG ay itinakdang ganapin, isang taon bago ang AYG para sa mga atletang labimpitong taong gulang pababa.
Karl Eldrew Yulo, pasok sa Floor Exercise at Horizontal Bar Finals sa Cairo Leg ng Gymnastics World Cup
Ranking ni Alex Eala sa WTA, bumagsak sa No. 45
Olympic women’s sport, lilimitahan sa ‘biological females’
Manny Pacquiao, nagsimula nang mag-training, limang buwan bago ang rematch laban kay Floyd Mayweather JR.
Pinangunahan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang paglikha ng event at tatayong founding president.
Sinabi ni Tolentino na nagpahayag na ng buong suporta at tulong ang Olympic Council of Asia (OCA) sa SEA Plus YG sa pulong, kasama ang iba pang founding members.
Ang inaugural edition ay planong ganapin sa Maynila sa 2028 at isasagawa ito kada dalawang taon.
