PINURI ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang mga responder at emergency teams ng lungsod sa kanyang pagdalo sa three-day Basic Incident Command System (BICS) training na isinagawa sa Ciriaco Hotel Pavilion.
Bukod sa rescue teams, tinukoy din ni Mayor Mon bilang halimbawa ang CSWDO at City Agriculture Office personnel na nagta-trabaho ng overtime para matapos ang kanilang report deadlines, na dagdag sa iba pa nilang duties.
Ang BICS training ay 3-day program na layuning bigyan ang participants ng basic and standard on-site emergency management knowledge and skills.
Target din ng programa na pagbutihin ang operational readiness at reinforce collective responsibility sa pagliligtas ng buhay at unahin ang kapakanan ng mga residente.
Ang training na nagsimula noong Feb. 10 at magtatapos ngayong Feb. 12, ay isinagawa ng Office of Civil Defense at inorganisa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Zandro Daguman.




