TINIYAK ng Malakanyang ang kahandaan sa gitna ng mga espekulasyon na inilabas na umano ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Ad Interim Secretary Jay Ruiz, narinig na nila ang tungkol sa arrest warrant na inisyu ng ICC kay dating Pangulong Duterte bunsod ng crimes against humanity.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Inihayag ni Ruiz na gaya ng sinabi dati ni Executive Secretary Lucas Bersamin, tutulong ang pamahalaan sakaling hingin ito ng interpol.
Sa kasalukuyan ay nasa Hongkong ang dating pangulo at kanyang anak na si Vice President Sara Duterte para dumalo sa thanksgiving event ng Overseas Filipino Workers.
Sa bahagi ng kampo ng mga Duterte, itinanggi ni dating Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo ang mga alegasyon na nagtangkang tumakas ang mag-ama.