15 March 2025
Calbayog City
Local

MV Pio V. Corpus Star dadaan na sa Calbayog City Port simula sa Huwebes

MAGSISIMULA na ang bagong ruta MV Pio V. Corpus Star ng Kho Shipping Lines (KHO) Incorporated, sa huwebes, Jan. 11, na Mobo, Masbate-Calbayog City-Cebu City and vice versa.

Ang bagong ruta umano ay salitang magsisilbi kasama ang Mintac Port-Based MV Masbate City para tugunan ang hiling ng mga masbatenos na nais maglakbay patungong Calbayog City at sa iba pang bahagi ng Samar anumang araw sa loob ng isang linggo, kasabay ng pagkakaroon ng arawang biyahe patungong Cebu City sa pamamagitan ng dalawang vessels.

Sa mga araw ng linggo, martes at huwebes, ang alis ng barko ay alas tres sa Port Mobo at darating ng alas nueve ng gabi sa Calbayog City Port, aalis ng alas onse ng gabi sa Calbayog City Port at alas nueve ng umaga darating sa pier 4 ng Cebu City Port Area.

Sa mga araw naman ng lunes, miyerkules at biyernes, ala singko ng hapon ang alis sa pier 4 ng Cebu City Port Area, darating ng alas tres ng madaling araw sa Calbayog City Port, aalis ng ala singko ng umaga sa Calbayog at darating ng alas onse ng umaga sa Port Mobo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *