TINUTULAN ng Regional Peace and Order Council sa Eastern Visayas ang mungkahi na buwagin ang National Task Force To End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni RPOC Chair at Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, na hindi makabubuti kung bubuwagin ang NTF-ELCAC, na inirekomenda kamakailan ni United Nations Special Rapporteur Irene Khan.
Idinagdag ni Romualdez na maari namang i-adjust ang mandato ng task force sa halip na buwagin.
Binigyan diin ng alkalde na sa mabuting pamamahala, hindi binibigyan ang new people’s at mga kaalyado nito ng dahilan para batikusin ang gobyerno.
Kinilala rin ni Romualdez ang malaking papel na ginampanan ng NTF-ELCAC para pahinain ang pwersa ng NPA sa rehiyon noong nakaraang taon.