22 November 2024
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, tiniyak ang kahandaan ng pamahalaan para tulungan ang mga apektado ng typhoon Julian

marcos

Tiniyak ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahandaan ng pamahalaan na tulungan ang mga lugar na apektado ng pananalasa ng typhoon Julian.

Sinabi ni pangulong Marcos na inihahanda na ang libu-libong Family Food Packs habang kumikilos na rin ang mga magsasaka at mangingisda upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kabuhayan.

Naka-high alert na rin aniya ang mga healthcare centers.

Inihayag ng pangulo na tutumbukin ng bagyo ang hilagang Luzon, dahilan kaya’t ipinagpaliban na rin muna niya ang pagpunta sa Ilocos noong linggo.

Dahil inaasahang lalakas pa ang bagyo, hihintayin muna itong tuluyang makatawid at humupa kasabay ng pagtukoy sa mga kakailanganing tugon ng national government.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.