Ngayung darating na Oktubre 8, 2023 araw ng linggo magkakaroon ng Motorcade ang Samar Off Road Biker’s Association (SORBA) para sa MTB INVITATIONAL RACE na pinangungunahan ni Engr. Ashly Albaña, President ng SORBA.
Ito ay isa sa mga aktibidad kaugnay sa ika 75th Calbayog City Charter Day Anniversary. Sa pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ang CPIO, City Tourism Office, City Engineering Office at iba pang ahensya ng LGU at NGO.
May limang kategorya ang nasabing race ito ay Open para sa Men, Women, under 25, 26 to 39 at 40 above.
Samantala, tatanggap ng cash prize, medal at certificates ang magwawagi at magkakaroon din ng pa Raffle.