IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palitan ang NIA-Southroad-Scout Borromeo Footbridge, na binansagang “Mt. Kamuning” Foodbridge dahil sa pagiging matarik nito.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ang sukat ng taas ng footbridge ay katumbas ng apat hanggang limang palapag ng isang gusali.
81.6 million pesos na halaga ng hinihinalang shabu, nakumpiska sa Pasay City
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Madilim din ang footbridge kapag gabi at madulas kapag umuulan.
Napansin ni DOTr Secretary Vince Dizon ang pag-uga ng footbridge kapag may dumaraang mga sasakyan sa iba na ang ibig sabihin ay mayroong ground vibration, at generally ay safe naman ang tawiran at hindi tutumba.
Gayunman, napansin aniya ng pangulo ang matarik na footbridge nang ilunsad ang Pamilya Pass sa MRT-3 noong weekend, at ipinag-utos na gibain ang tulay at tayuan ng mas maganda.
