KABUUANG labimpitong Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) mula sa Eastern Samar ang naghahanda para dalhin sa National Stage ang Homegrown Products ng lalawigan.
Kaugnay ito sa nalalapit nilang paglahok sa Bahandi Eastern Visayas Trade Fair 2025 na gaganapin sa Oct. 9 hanggang 13 sa SM Megamall sa Mandaluyong City.
Calbayog City, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Opong
Ciudad san Calbayog, iguin pailarom na sa State of Calamity
4 sa 10 sambahayan sa Eastern Visayas, nakaranas ng Food Insecurity – Survey
1.3K na mga barangay sa Eastern Visayas, pinag-iingat sa Landslides at mga pagbaha dulot ng Bagyong Opong
Bago ang kanilang biyahe ay nag-courtesy call ang grupo kay Governor Ralph Vincent Evardone, kung saan ibinahagi nila ang kanilang layunin na i-promote ang kultura at kabuhayan ng Eastern Samar sa pamamagitan ng mga bitbit nilang produkto.
Ang Bahandi Trade na nagdiriwang ngayong ng ika-dalawampu’t limang taon, ay hindi lamang isang Marketplace kundi isa ring Platform para sa Grassroots Entrepreneurs upang masubukan ang kanilang mga produkto, lumawak ang kanilang maabot, at lumikha ng mga oportunidad para umunlad.
Para sa maraming MSMEs, ang naturang aktibidad ay isang tulay na nag-uugnay sa kanilang Local Livelihood patungo sa National at maging sa International Buyers.