TINIYAK ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na tutugunan ang pagmando sa malaking bilang ng mga pasahero sa kanilang mga istasyon.
Kasunod ito ng viral video ng nagsisiksikang mga pasahero sa platform ng Cubao Station noong Lunes ng umaga.
ALSO READ:
Sa video na kumalat sa online, makikita ang mga commuter sa platform na punong-puno na habang patuloy pa ang pagdating ng mga tao mula sa escalator.
Sinabi ni MRT-3 General Manager Michael Capati na pinaakyat ang mga pasahero sa platform, dalawang minuto bago dumating ang tren.
Aniya, dapat dumating ang tren at nakalabas na ang mga pasahero bago magpaakyat ng panibagong batch ng mga sasakay.
Binigyang diin ni Capati na malaki talaga ang volume ng mga pasahero noong Lunes.




