May libreng sakay ang mga empleyado ng pamahalaan sa MRT-3, simula ngayong Miyerkules hanggang sa Biyernes, bilang pagdiriwang ng anibersaryo ng Philippine Civil Service.
Maaring i-avail ng lahat ng kawani ng gobyerno ang libreng sakay sa MRT-3 sa loob ng tatlong araw sa pamamagitan ng pagpiprisinta ng kanilang government employee ID sa station personnel.
Sinabi ni MRT-3 General Manager Oscar Bongon na layunin ng libreng sakay na makapaghatid ng kahit kaunting kasiyahan sa mga empleyado ng pamahalaan, tanda ng pagsaludo at pasasalamat sa kanilang mga sakripisyo.