Tatlong miyembro ng pamilya ang patay, kabilang ang walong taong gulang na bata, matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Bulakan, Bulacan.
Nangyari ang insidente, alas tres ng madaling araw, sa Barangay San Jose.
Natagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng isang kwarto.
Tinaya ng mga awtoridad sa isang milyong piso ang halaga ng pinsala ng sunog na tumupok din sa e-bike at scooter shop ng pamilya.
Inaalam pa ng arson investigators ang sanhi ng insidente.