MAGDE-deploy ang Metro Rail Transit 3 (MRT-3) ng four-car trains tuwing rush hours para makapagsakay ng mas maraming pasahero.
Ayon sa MRT-3, tatlong four-car trains ang patatakbuhin tuwing peak hours sa umaga at hapon, habang mananatili ang 16 trains sa kasalukuyang three-car configuration.
ALSO READ:
Diocese sa Metro Manila, kalapit na lalawigan pinaghahandaan ang “Big One”
Construction worker, patay; 3 iba pa, nasugatan sa pagbagsak ng Elevator Core Wall sa BGC sa Taguig
Mall Hours na 11 A.M. To 11 P.M., ipatutupad sa Metro Manila simula sa Nov. 17
PHLPOST at DPWH, lumagda ng kasunduan para sa Restoration ng nasunog na Manila Central Post Office
Bawat bagon ay kayang magsakay ng tatlundaan siyamnapu’t apat na pasahero, na ang ibig sabihin ay mahigit 1,500 passengers ang maaring i-accommodate ng isang four-car train.
Sa Facebook post, inihayag ng MRT-3 na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na mabigyan ng ligtas at komportableng biyahe ang mga pasahero.