HINIKAYAT ng COMELEC sa Calbayog City ang mga hindi pa nakapagpapatala na lumahok sa voters registration na magbubukas sa susunod na buwan.
Ayon sa Facebook post ng COMELEC Calbayog, magsisimula ang voters registration sa Feb. 12 at magtatapos sa Sept. 30, 2024.
Bukas ang tanggapan ng poll body sa lungsod, Lunes hanggang Sabado, alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon, maliban na lamang kung holiday at kung inanunsyo ng COMELEC na walang registration.
1 Comment