NAKATAKDANG painitin pa ni Mingyu ng Seventeen ang summer para sa kanilang fans sa Pilipinas dahil sa nakakasang fan meet nito sa Abril.
Inanunsyo ng isang chocolate brand na magsasagawa sila ng fan meet para sa kanilang K-Pop star ambassador sa April 11 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
ALSO READ:
Nag-post ang brand ng mechanics para sa fan event kung saan ang maswerteng fans ay mabibigyan ng pagkakataon na makita ang kanilang Seventeen crush in person.
Si Mingyu ay bahagi ng hugely popular K-Pop boy group, na nakapagdaos na ng concerts at shows na bansa, kabilang na ang “Right Here” show noong January 2025.
Dadalhin din ng Seventeen ang kanilang “New_” World Tour sa Pilipinas sa March 21 sa Philippine Sports Stadium sa Bulacan.




