IBINASURA ng korte sa Pasig ang mosyon ng nakakulong na televangelist at senatorial candidate na si Apollo Quiboloy para sa house arrest.
Sa apat na pahinang order, sinabi ng Pasig Regional Trial Court Branch 159 na ibinasura nila ang mosyon ni Quiboloy dahil sa kawalan ng merito.
Inihayag ng korte na walang compelling justification para isailalim ang founder ng Kingdom of Jesus Christ sa naturang set-up.
Binigyang-diin din ng Pasig RTC na hindi “intertwined” ang medical access at house arrest.
Inihihirit ni Quiboloy sa korte na maisailalim ito sa house arrest sa Garden of Eden Resort sa Davao City, sa KOJC compound, o sa Tagaytay City.