INTENSYON ng presensya ng “Monster Ship” ng China Coast Guard sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas na sindakin ang mga Pilipinong mangingisda, ayon sa Philippine Coast Guard.
Gamit ang dark vessel detection technology mula sa Canada, na-detect ng PCG ang “Monster Ship” ng China, 54 miles ng Capones Island mula sa baybayin ng Zambales.
ALSO READ:
Mahigit 32,000 na bagong guro, asahan sa susunod na taon – DepEd
Sandiganbayan 6th Division, kinonsolidate ang mga kaso sa 289-Million Peso Naujan Flood Control Case
Dating DPWH Secretary Rogelio Singson, nagbitiw sa ICI
Dating Senador Bong Revilla at iba pang personalidad, inirekomendang kasuhan ng ICI bunsod ng flood control scandal
Bilang tugon ay idineploy ng PCG ang BRP Cabra at isang caravan reconnaissance aircraft upang harangin at bantayan ang Chinese Vessel na may registration number 5901.
Nakumpirma nga ng PCG ang presensya ng Chinese ship sa Bajo de Masinloc, ala singko ng hapon noong Sabado.
Huling namataan ang kaparehong barko, malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Hunyo.
