27 March 2025
Calbayog City
National

Monster Ship ng China, lumapit sa Lubang Island sa Occidental Mindoro

NAISPATAN ang tinaguriang “Monster Ship” ng China, malapit sa Lubang Island sa Occidental Mindoro, kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, pcg Spokesperson for the West Philippine Sea, na noong Sabado ay na-monitor nila ang China Coast Guard Vessel 5901 sa Capones Island sa Zambales at noong linggo ay umangat ito, pa-hilagang bahagi ng naturang lalawigan.

Sa kasalukuyan naman aniya ay hindi hina-harass ng dambuhalang Chinese Ship ang mga mangingisdang pinoy sa lugar.

Matapos ma-mataan noong sabado ang “Monster Ship” sa loob ng Exclusive Economic Zone, ay agad idineploy ng PCG ang BRP Cabra, maging ang isang helicopter, at PCG Caravan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).