BUBUKSAN ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang kanilang 51st Edition ang kanilang taunang Parade of Stars sa Dec. 19, na unang beses na gagawin sa Makati City.
Batay sa anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nangangasiwa sa MMFF, magsisimula ang mga float sa World Trade Center sa Macapagal Boulevard ng ala una ng hapon.
Babagtasin ng floats ang major thoroughfares sa Makati, kabilang ang Buendia Avenue, Ayala Avenue, Makati Avenue, JP Rizal Street at A. Reyes Avenue, at magtatapos sa Circuit Makati.
Ang 8.4-kilometer route na parada ay inaasahang tatagal ng isang oras at apatnapung minuto.
Itatampok dito ang mga artista at themed floats ng walong official entries, na kinabibilangan ng “Call Me Mother,” “Rekonek,” “Manila’s Finest,” “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins,” “I’m Perfect,” “Love You So Bad,” “Unmarry,” at “Bar Boys: After School.”




