SUGATAN ang enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at isa pang lalaki matapos mauwi sa engkwentro ang Anti-Colorum operasyon ng ahensya sa Barangay Ayala-Alabang, sa Muntinlupa City.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsasagawa ng operasyon ang MMDA enforcer na si Mark Anthony Popongco at mga kasamahan nito, nang harangin nila ang puting van sa Filinvest Exit sa Acacia Avenue.
ALSO READ:
Nakiusap umano ang driver na kung maari ay tumabi muna sila para maibaba ang dalawang senior citizens na pasahero.
Gayunman, nang makababa na ang mga pasahero ay bumunot ng baril ang driver hanggang sa magpambuno ito at ang MMDA enforcer.
Kapwa nasugatan ang dalawa matapos parehong tamaan ng bala sa hita.




