PUSPUSAN ang naging paghahanda para sa Heroes’ Grand Homecoming Parade ng mga atletang pinoy na sumabak sa 2024 Paris Olympics, mamaya.
Hanggang kahapon ay abala ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa paglalagay ng karagdagang posters ng pinoy olympians sa ilang mga lansangan sa maynila na bahagi ng ruta ng parada.
Kabilang sa mga isinabit, ay posters nina Olympic Bronze Medalists Nesthy Petecio at Aira Villegas, pati na ang posters ng Team Philippines.
Una nang inilagay ng Manila City Government ang posters ng Two-Time Gold Olympic Medalist na si Carlos Yulo na lumaki sa Malate.
Ayon sa Malakanyang, magsisimula ang 7.7 kilometers na parada, mamayang alas tres ng hapon.
Mag-uumpisa ito sa Aliw Theater sa Pasay City at magtatapos sa pamamagitan ng isang maikling programa sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.