12 July 2025
Calbayog City
Metro

MMDA, nagsimula nang magbaklas ng campaign posters kasunod ng eleksyon

SINIMULAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pakikipagtulungan ng COMELEC ang pagtatanggal ng campaign posters, matapos ang may 2025 Midterm Elections.

Ayon sa MMDA, inumpisahan nilang baklasin ang campaign posters sa Regalado Bridge sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Ang mga nakolektang campaign posters ay dadalhin sa ilang base sa Ortigas at Marikina.

Sinabi ng MMDA na ang mga binaklas na campaign materials ay ido-donate sa partner beneficiaries, gaya sa mga piitan, pati na sa organisasyon para sa may mga kapansanan na Tahanang Walang Hagdan at environmental group na Ecowaste Coalition.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).