MAGPAPAKALAT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mahigit isanlibong tauhan para sa State Of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na Lunes, July 22.
Sa news forum, sinabi ni Traffic Operations Officer Manny Miro, na magde-deploy sila ng 1,329 personnel mula sa traffic management, parking management, road emergency responders, clearing groups, pati na technical teams.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Inihayag din ni Miro na magsasagawa ang MMDA Personnel ng road and sidewalk clearing operations, at magmo-monitor din ng traffic sa highways patungong Batasan Pambansa Complex kaugnay ng inaasahang pagbigat ng trapiko sa naturang araw.
