Sinimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paglalatag ng traffic plan para sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, magpapatupad ang ahensya ng full deployment sa kanilang mga tauhan at kagamitan na mayroong kabuuang 2,542 field personnel at 468 assets na ipakakalat sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay Artes, mananatiling ding operational 24/7 ang MMDA Communications and Command Center (CCC) sa MMDA Head Office sa Pasig City at mayroong na aatasang i-monitor ang real-time updates sa pamamagitan ng mga CCTV na nasa mga critical areas sa Metro Manila.
Simula April 16, piatutupad na angSemana Santa 2025 kaya iiral na ang “no day-off, no absent policy” sa mga field traffic personnel ng MMDA.
Magkakaroon naman ng skeletal deployment sa ahensya sa April 18, 19, at 20 para bantayan ang mga Visita Iglesia sites kabilang ang “panata” route sa Antipolo at Grotto. Naka-standby din ang MMDA Road Emergency Group para magkaloob ng roadside emergency services habang ang mga ambulansya at tow trucks ay itatalaga sa iba’t ibang lokasyon.