HUMINGI ng paumanhin si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes sa matarik na PWD ramp sa Philam Station ng EDSA Busway sa Quezon City.
Sa ambush interview, nag-sorry si Artes kung sa tingin ng publiko ay hindi pinag-isipan ang proyekto, kasabay ng pagbibigay diin na pinag-isipan nila itong mabuti.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Idinagdag ng MMDA Chief na kinonsulta nila ang mga arkitekto at inhinyero sa Traffic Engineering Office, at ito ang nakayanang gawin, batay sa sitwasyon ng lugar.
Sa statement, iminungkahi ni Senator Grace Poe na agad ayusin ang rampa bago pa may ma-aksidente.
Inihayag naman ni Artes na magkakaroon ng pulong ang MMDA sa isang architecture firm para masolusyunan ang problema.
